in

Mura at Virgelyn, mainit na nagsusumbatan ngayon!

Samo’t-saring usapin ang kumakalat ngayon sa dalawang vlogger. Normal na sa mga vloggers ang magtulungan para umangat. Ngunit sa sitwasyon ng vlogger na si Mura at Virgelyn, taliwas ang nangyari matapos nilang tulungan ang isa’t-isa.

Si Virgelyn at Mura ay parehas na nasa larangan ng vlogging. Minsan na silang nagsama sa iilang vlogs nila.

Dahil nga roon, nabuo ang pagkakaibigan nila na hindi inaasahan ay ngayon, unti-unti nang nasisira.

Kamakailan lang sa isang live ni Mura, sinabi niya rin ang mga bagay na naitulong niya kay Virgelyn. Lalong lalo na ang pagpapataas nito ng rami ng viewers at subscribers.

“Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon,” pahayag ni Mura. Wala raw sisihan sa mga lalabas sa kaniyang bibig. Ikinagulat ng mga netizens ang kaniyang sinabi.

Inaasahan narin ang magiging tugon ni Virgelyn. Sa kaniyang vlog na “Mura para sa’yo ito” rito niya inilabas ang saloobin niya.

Ani ni Virgelyn, “Kumusta ka Mura? Sana ‘yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob.”

Dagdag niya ay bago pa lamang makapasok si Mura sa kaniyang vlogs, marami na siyang napaviral na videos.

“Bawas-bawasan natin Mura ‘yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao,” pagpapaalala ni Virgelyn sa kaniya.

Sa kabila ng mga iyon, humingi ng paumanhin si Virgelyn. At sana raw magkita sila ulit ni Mura para makapagbonding.

Robin Padila, suportado at pinagmalaki nito ang kanyang may bahay na si Mariel Padilla sa kanyang negosyo.

Robin Padilla gumawa ng ‘Makeshift Vegetable Garden’ na siyang ikinatuwa ng netizens!