in

Nadine Lustre bumili ng mamahaling motor na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon

Naging usap-usapan sa social media ang mamahaling motor na binili ng aktres na si Nadine Lustre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Trending sa Twitter si Ndine kamakailan. Matapos kumalat ang mga larawan niya habang nasa Ducati Manila sa Quezon City.

Ayon sa post, bumili ang aktres ng Ducati Scrambler Sixty2.

May mga kuha din litrato na pinasalamatan ng staff ng Ducati Manila si Nadine sa pagbili nito ng mamahaling motor.

Base sa MotoDeal, nagkakahalaga ang Ducati Scrambler Sixty2 big bike ng P499,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by r&jmotosport (@rnj_motosport)

Bagama’t may kamahalan ito, hindi naman kailangang kuwestiyunin ang kalidad nito dahil isa ito sa mga pinakakilalang motorcycle brands sa buong mundo.

May video din na makikitang nag-eensayo si Nadine sa pagmomotor kasama ang kanyang ama. Ayon pa sa ilang post, pangarap talaga ng mag-ama ang makabili ng mamahaling big bike.

Agad namang umani ng paghanga ang video na ito ni Nadine. Marami pa ngang nagsabi na tila Badass chic ang datingan ni Nadine habang pinapatakbo ang Ducati.

Gandang ganda din sila sa outfit of the day ng aktres.

Melai Cantiveros may napaka-sweet na birthday message para sa asawang si Jason Francisco

Miss Universe PH 2017 na si Rachel Peters nanganak na sa kanyang first baby