in

Napanaginipan umano ni Cristy Fermin si Kris Aquino na pumanaw na!

Nakakalungkot man na isipin, ngunit ang dating malusog na si Kris Aquino ay bagsak na ang kalusugan. Alam ng karamihan ang sitwasyon ng Queen of All Media. Siguro nga’y nagulat si Cristy Fermin sa kaniyang sitwasyon kaya’t nanaginip siya ng masama tungkol kay Kris.

Para sa ating kaalaman, si Kris Aquino ang kilalang Queen of All Media ay hindi maganda ang kalagayan. Bagsak ang kaniyang pangangatawan at ang kaniyang kalusugan.

Parang kailan lang ay madalas nating makita ang TV Host na malusog at elegante. Ngunit ngayon, sobrang layo na ng Kris Aquino kumpara noon.

Sobra ang pagpayat ni Kris, pumutla at tila madaling mabasag.

Bukas sa publiko ang kaniyang sitwasyon, alam ito ng lahat. Tila nabahala ng sobra ang Filipino Talk Show Host na si Cristy Fermin sa kaniyang sitwasyon.

Ani niya ay nanaginip raw siya ng masama tungkol kay Kris. Mungkahi niya, “Paggising ko, shocked na shocked ako, napanaginip ko namatay si Kris Aquino. Idinala daw siya sa sa ibang bansa, hindi naman sinabi kung Singapore o Amerika.”

“Nakadalawang-linggo daw siya sa ospital pero pum4naw rin. Yun ang aking panaginip, lungkot na lungkot ako. Kasi bago ako natulog, binigyan ko siya ng mahabang panahon ng panalangin,” dagdag pa niya.

Pero naniniwala parin siya na may pag-asang humaba ang buhay ni Kris dahil sa isang pamahiin.

“Di ba, pag nam4tay ang ibig sabihin, hahaba pa ang buhay,” paniniwala niya.

Sabi rin ni Cristy ay sana magkaroon ng saysay ang kaniyang mga salapi.

Sa kabila ng iilang hindi nagustuhan ng netizens kay Kris, nababahala parin sila. Iilan ay nag-aalay ng panalangin para sa ikabubuti niya.

Janella Salvador, sinubukang mag pa-lipo na makikita sa shinare na video ni Dr. Vicki Belo.

Gerald Anderson, supportive boyfriend, ng gawin itong photographer ni Julia Baretto sa binuo niyang bagong negosyo!