in

Nobyo ni Lovi Poe nagselos? Nag-react sa kulitan nila ni Piolo Pascual sa Instagram

Mukhang nagselos ang foreigner boyfriend ni Lovi Poe sa lambingan nila ni Piolo Pascual.

Matatandaang magkapareha sina Lovi at Piolo sa upcoming TV series na “Flower of Evil”. Ngayon nga ay abalang-abala ngayon ang brand new love team para sa pag-promote ng kanilang serye.

Sa kanyang IG account, nag-post si Lovi ng sweet photo nila ni Piolo at tinawag niyang “mahal” ang aktor.

Caption ni Lovi: “Yes, mahal? Daan tayong @itsshowtimena mamaya?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Nag-comment naman si Piolo at sinakyan ang kanyang leading lady: “Eto nagpapapogi na para sayo mahal @lovipoe ehehe.”

Napa-react naman ang British boyfriend ni Lovi na si Montgomery Blencowe sa landian moment nila ng hunk actor.

“So this is what you’re up to when I’m not around,” sey ni Montgomery

 

Napahalakhak maging si Lovi sa hirit ng kanyang Boyfriend. Sagot ng aktres sa komento ng nobyo, “LOLLOL”.

Maging ang mga netizens ay kinagiliwan ang komentong iyon ng binata. Pero alam naman nila na nakikipagbiruan lang siya sa kanyang nobya.

Samantala, si Montgomery ay isang matagumpay na Hollywood filmmaker, producer at scientist pa sa University of California, base sa ilang filmmaking credits at sa kaniyang Instagram profile.

Zanjoe Marudo aminadong natakot nang magpakasal dahil sa character niyang si David sa The Broken Marriage Vow!

Chie Filomeno sinagot ang netizen na sinabihan siyang mukhang bakla