in

Ogie Diaz nakakwentuhan si Andrea Brillantes ukol sa pagdagsa ng b4shers ngayon ng aktres

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa mga b4shers nito.

Sa May 17, episode ng Showbiz Update Vlog ni Ogie. Ibinahagi niya ang short video clip ng pag-uusap nila ni Andrea.

Ipinunto ng talent manager at entertainment columnist kung gaano ka-kontrobersyal ngayon ang batang aktres. Bago niya ito tanungin kung paano nga ba nito hina-handle ang kanyang mga b4shers.

“How to be you po? Buti kinakaya mo yung mga bashers? At your age, talagang parang pinanday ka na. Parang manhid na manhid ka na sa mga bashers?” tanong ni Ogie kay Andrea.

Ayon naman kay Andrea hindi daw siya manhid at nasasaktan pa din siya sa mga negative comments na natatanggap niya.

Saad ng dalaga, “Hindi naman po sa manhid, it’s just that hindi lang po ako naaapektuhan sa kanila. Lalo na syempre parang more than 10 years na po ako sa industriya kaya sanay na sanay na po ako. Hindi naman sa manhid, nasasaktan pa rin naman ako it’s just that this time, hindi talaga po nakakaapekto sa akin.”

Dagdag pa nga ng Kapamilya actress ay nag-social media detox na din siya. Pinagtutuunan na lamang daw niya ng pansin ngayon ay ang UAAP.

Kung saan isa sa star player ang ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero. Aniya pa, “UAAP ang nasa utak ko the whole time. Iniisip ko talaga, gusto ko lang manalo ang UP. Yun talaga yung ini-stress ko po”

Panoorin dito ang nasabing video:

Sweet Birthday message ni Rayver Cruz para kay Julie Anne San Jose kinakiligan ng mga netizens

Miles Ocampo at award-winning actor na si Elijah Canlas nagkakamabutihan na nga ba?