in

Bea Alonzo tinawag ng ‘Hon’ si Dominic Roque na kinakiligan ng kanilang mga taga-hanga

Mas lalong kinikilig ngayon ang mga fans ng rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ang tanong nga ng nakararami, opisyal na bang magkasintahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Hindi kasi nakaligtas sa mapanuring tagasuporta ng couple ang pagtawag ni Bea na “Hon” kay Dominic.

Ito ay habang sila ay nagka-camping sa Yosemite National Park.

Sa isang video kasi na ipinost ng kaibigan ni Dominic maririnig ang boses ni Bea sa background na tila inaayos ang camera ni Dominic na naka-on.

Maririni na sabi ni Bea, “Hon, nagre-record ito kanina pa.”

Hindi gaanong dinig ang sagot ni Dominic na tila nasa di kalayuan.

@dengordulan110Ang sarap sa Ears nung “Hon” ❤😘😜#DominicRoque #BeaAlonzo #TiNik #BeaDom

♬ original sound – dengordulan110

Agad namang umani ng sam’t-saring reaksyon ang nasabing video.

Narito ang ilan:

“Masarap sa pakiramdam na walang tinatago”

“Haaaay kilig talaga. I’m soo happy for Bea and Dominic. At ang masaya pa, she doesn’t have to pretend to be someone she’s not around him. He likes her just the way she is.”

“Infairness naman sa dalawa mukhang swak ang lifestyle…sosyal na low key”

“bakit ba abangers ako sa ganap ng dalawang to haha yung kilig ko parang nung kay sarah matteo dati nung bago sila haha”

“Seems Bea is really under the care of Dom.Kilig much.Sana magkatuluyan sila.”

Bukod dito, hayagan din ang pagsinta ni Bea matapos na mag-post ito kahapon sa kanyang Instagram story ng mga litrato at video nila ng kaka-birthday lang na si Dominic.

Makikita sa video na sweet ang cheek-to-cheek moment nila na nagsasayaw sa dance floor ng isang bar kasama ang tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo at asawa nitong si Adam Hutchinson.

Loisa Andalio ipinaliwanag ang post niya noong 2014 kaugnay kay Michelle Vito na nagviral kamakailan

Kisses Delavin nakatanggap ng suporta mula kay Marian Rivera sa pagsali nito sa Miss U Philippines 2021