in

Pamilya na nagpakulong kay Lolo Narding, pasensya lamang ang hinihingi sa matanda!

Sa wakas ay nakalaya na si Lolo Narding, ang 80-year-old na matanda. Nitong mga nakaraang araw lamang no’ng inakusahan siyang nagnakaw ng nasa 10 kilo ng manga. Ngunit dahil sa dagsa ng tulong, nakalaya na siya. Ngunit hindi tumigil ang pamilyang nagsampa ng kaso, nagsalita na ito.

Ayon kay Lolo Narding noong tinanong siya kung bakit niya pinitas ang manga, “Ipambibili ng pagkain, bigas. Binibili lahat ng pagkain, wala kaming hanapbuhay.”

At ani niya, tatay niya raw mismo ang nagtanim ng puno bago ito binakuran. Kaya ganoon na lang kasama ang kaniyang loob sa nangyari.

Ngunit sa kabilang banda, taliwas sa sinabi ni Lolo Narding ang reklamo ng pamilya. May hinihingi ang pamilya kay Lolo Narding.

Sa eksklusibong panayam ng News5, nagsalita na ang pamilyang nagreklamo. Ayon sa kanila, “Ito po yung kuya ko, siya po misyo yung nagtanim Sir. Kaya po kung sinasabi po ni tatay na sa kanya po yun, paano po maging sa kanya.”

Handa silang iatras ang kaso, “Sino naman po kami para hindi maawa kay tatay.”

“Sana naman po kahit matanda na tayo, marunong po tayong humingi ng pakumbaba. Yun lang po sana,” dagdag pa niya.

Ani niya, dumadaan naman daw tayong lahat sa pagtanda ngunit sana raw ay matutong humingi ng pasensya. Yun lang daw ang hinihingi nila kay Lolo.

“Tapos may pagbabanta pa sa father ko,” apila ng anak sa mga netizens na namamahiya ng kanilang pamilya sa social media.

Narito ang buong video ng panayam:

500K na susutento sana ni Gretchen Baretto, kay Claudine intinigil nito?

Ryza Cenon, diniin na hindi siya ang nag piyans4 kay tatay Nardo, pero bukas ito sa pagtulong.