in

Pokwang nais kasuhan ang nagpapakalat ng fake news na hiwalay na diumano sila ni Lee O’Brien

 

Tila uminit ang ulo ng komedyanteng si Pokwang ng dahil sa nagkalat na Fake News.

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Pokwang sa kumalat na d3ath hoax sa aktres na si Ai-Ai delas Alas.

 

 

Ipinost kasi ni Ai-Ai sa Instagram ang screenshot ng video ng fake news ng kanyang pagka’ma’tay, Biyernes ng gabi, July 9, 2021.

 

 

“FAKE NEWS,” at “HWAG KAYO MAG SUBSCRIBE DITO,” ang mga katagang inilapat ng comedienne-host sa screenshot.

Bahagi ng title ng video (published as is): “PUMANAW NA ANG AKTRESS NA SI AI AI DELAS ALAS…”

 

 

Ilang beses napamura ni Ai-Ai sa kanyang caption dahil marami raw sa kanyang mga mahal sa buhay ang kinabahan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

 

Idinaan na lang sa biro ni Ai-Ai ang fake news video nang sabihing buti na lang daw ay magandang picture ang ginamit.

Maging ang komedyanteng si Pokwang napa-react sa comments section.

 

 

Si Pokwang man daw ay nabiktima ng fake news matapos ipakalat ang pekeng balitang binugb0g umano ng kanyang asawang si Lee O’Brian ang anak ni Pokwang na si Mae.

 

 

Binanggit ni Pokwang na sasampahan nila ng kaso ang netizen na nagpakalat ng pekeng balitang ito.

 

 

Saad ni Pokwang, “Naku miss @msaiaidelasalas grabe yan meron pa isa mag sasampa kami ng kaso dahil binugb0g daw ni Papang Lee si Mae kaya naghiwalay kmi at nag decide daw ako na dito na ulit tumira sa Pinas! hahahahaaa kailan ako tumira sa amerika????”

 

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Pokwang sa fake news.

 

 

Kamakailan din ay nagamit ang kanyang pangalan at pinalabas na sa isang dating site sila nagkakilala ng kanyang partner.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Janella Salvador aminadong mas naging close sa inang si Jenine Desiderio mula ng siya ay magka-anak

Janella Salvador, may banta sa mga bumabatikos sa anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude