in

Rico Blanco may nakakakilig na birthday message para sa nobyang si Maris Racal

Nagbigay kilig na namang muli ang musikerong si Rico Blanco sa pagbati nito sa kaarawan ng girlfriend na si Maris Racal.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Rico ng ilang larawan nila ni Maris. Bilang pagbati nito sa kaarawan ng aktres.

Maikli pero nakakailig na caption ni Rico sa kanyang post, “happy birthday madam. love you so much po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @ricoblanco100

Bumuhos naman ang pagbati ng mga followers ni Rico kay Maris at halos lahat ay nagsabing bagay na bagay daw ang magkasintahan kahit pa nga malayo ang agwat ng kanilang edad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Ilan naman sa mga celebrities na bumati kay Maris ay sina Ogie Alcasid, Chito Miranda at Ebe Dancel.

Pati na rin ang mga kaibigan niya na sina Loisa Andalio at Sue Ramirez ay hindi napigilan na kiligin sa pagbati ni Rico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Bago pa man ito ay kinakiligan din ang TikTok video ng magkasintahan. Kung saan game na game si Rico sa trip ni Maris.

Nagsayaw sila sa iba’t-ibang lugar at tuwang tuwa si Maris na napapayag niya ang kanyang nobyo.

Saad nga niya sa kanyang caption ,lol thank you dahil pumayag ka na gawin to 4 TIMES sa iba’t ibang lugar, koriks. 😛 cant get over lol”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Samantala, ibinahagi naman ng Kapamilya young actress sa kanyang IG account ang mga bago niyang litrato na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual bilang bahagi ng kanyang 24th birthday celebration.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Alexa Ilacad hinangaan dahil sa ibinahagi niyang mga larawan na resulta ng kanyang intense workout

Shower video ni Coleen Garcia sa anak nila ni Billy Crawford na si baby Amari kinagiliwan ng netizens