in , ,

Rob Moya, ikinuwento ang huling paghaharap nila ng ex na si Toni Fowler matapos maging opisyal ang relasyon nila ni Tito Vince

Matapos mag viral ang bagong ganap sa buhay ng sikat na vlogger na si Toni Fowler, muling naglabas ng saloobin si Rob Moya.

Nito lamang nga ay ginulat ng Toro Family ang kanilang mga fans sa kakaibang proposal na ginawa ni Tito Vince kay Toni.

Noon pa man kasi ay marami na sa kanilang mga fans ang humihiling na sana ay sila na lang ni Tito Vince.

Matindi rin kasi ang pinagdaanan ng idolo nilang si Toni sa pag-ibig sa naging relasyon nito kay Rob Moya.

Gayunpaman, matapos ang di gulo sa pagitan nila, nagawa paring patawarin at tanggapin muli bilang kaibigan si Rob.

Sa mga panahong ito ay tila nagkakamabutihan naman na sila Toni at Vince.

Hanggang sa maglakas loob na nga ang huli na magpropose dito sa harap ng Toro Family.

Sa kabila nito, di naman napigilan ni Rob na maglabas ng saloobin at ikuwneto ang huling alaala sa ex.

Sa videong ibinahagi ni Rob sa kanyang Facebook, nag iintroduce siya sa mga followers ng isang mobile game.

Matapos nito ay biglang nagiba ang settings ng kanyang video at makikitang nasa harap na siya ng bahay ni Toni.

Hinarap naman siya ng vlogger at binigyan ng oras para makipagusap.

Bagamat hindi siya pinapasok sa loob ng bahay, sa loob ng sasakyan na lang naganap ang paguusap.

Binati ni Rob ang ex sa pagkakaroon ng bagong relasyon. Nais lamang ni Toni na maging peaceful na ang lahat sa kanila.

Humingi si Rob ng tawad kay Toni sa tuwing hindi napipigilan ang emosyon nito na dahilan ng kanilang muling pag aaway.

Inamin rin ng huli na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya dito kaya nagawa niyang ipilit muli ang sarili.

Hindi naman napigilan na umiyak ni Rob at binigyan niya pa ng singsing si Toni bilang pangako na mananatiling anjan lamang ito kung sakaling masasaktan ulit si Toni.

Isang magandang closure na ang naganap sa pagitan nila Toni Fowler at Rob Moya.

 

 

 

 

Miles Ocampo at award-winning actor na si Elijah Canlas nagkakamabutihan na nga ba?

AJ Raval namataan ng netizens na flinex ang kontrobersyal rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica sa Instgram story nito!