in

Robin Padilla gumawa ng ‘Makeshift Vegetable Garden’ na siyang ikinatuwa ng netizens!

Sa kaniyang edad, hindi akalain na mahihilig parin siya sa mga halaman. Simula noong naglock-down, grabe ang pagkahilig ng mga momshies at mga kabataan sa halaman. Ngunit hindi lang pala mga momshies dahil pati ang astig na aktor ay nagawa ring gumawa ng sariling hardin.

Ang tanyag na ‘bad boy’ na aktor, 52-years-old na si Robin Padilla ay malambot rin pala sa mga halaman. Sa kabila ng imahe nito sa showbiz na action star, inilabas ang kaniyang pagka-green thumb dahil naging hobby na niya ang pagtatanim.

Sa katunayan ay gumawa pa siya ng kaniyang sariling ‘Makeshift Vegetable Garden’ sa balkonahe ng kanilang bahay.

Sinabi niya rin sa isa sa kaniyang IG Stories, “Ang pagtatanim at pagaalaga ng mga ito ay nakakapagpasigla ng araw at nakakapagpatibay ng loob. Dahil habang tinititigan ang pagbunga ng gulay maliwanag na ipinapakita nito na hangga’t may tumutubong itinanim may pag-asa ang henerasyon ngayon at paparating.”

“Ngunit palagiang mag-iingat dahil ang pag-asa ay parang gulay. Kapag hindi pinagaralan, maaari itong mapeste at maglaho.”

Ibinahagi rin niya ang proseso sa paggawa ng kaniyang ‘Makeshift Vegetable Garden’

Mabigat umano sa pakiramdam tuwing napepeste ang iilan sa kaniyang tanim.

Sa tulong ng payo ng kaniyang followers, naagapan ito at may nabuhay pa.

Nakitaan niya ito ng mga bagong berdeng dahon na nagsibulan.

Marami ang natuwa dahil marami ang nakarelate sa kasiyahang ibinibigay ng mga pananim.

Mura at Virgelyn, mainit na nagsusumbatan ngayon!

Virgelyn, hindi mapigilang masaktan sa mga panunumbat sa kaniya ni Mura!