in

Robin Padilla malungkot na ibinahagi na napapalayo na siya sa kanyang mga anak

Mahabang post sa social media na para sa kanyang mga anak ang ibinahagi ng actor-turned politician na si Robin Padilla.

Naging emosyonal ang ngayon ay Senador na, na si Robin nang matanggap niya ang sulat. Mula sa kanyang mga anak na sina Gabriella at Isabela sa araw ng mga ama.

Thru Instagram, ikinwento ni Robin ang kanyang nadarama nang mga oras na iyon. Aniya pa nga ay nakatulog siya na yakap-yakap niya ang sulat ng mga anak.

Samantala, marami naman sa kanyang mga followers ang nagulat ng aminin ng aktor na nawawalan na siya ng oras sa kanyang mga anak. Lolong lalo na ngayon na isa na siyang public servant.

“Miss na miss ko mga anak ko. Naluluha po ako hindi ko na naririnig ang kanilang mga hagikgik at tawa. Mga kaligayahang magulang lamang po nila ang kanilang mundo. Bawat araw na dumadaan, napapalayo po sila sa akin. Napakalaking sakripisyo po ang maging lingkod bayan, mundo ko po ang kapalit para sa mundo ng nakararami,” pagbabahagi ni Binoe.

“Tanging rebolusyonaryong pagbabago po ang makapagpapabago sa buhay ng mas nakararaming Pilipino. Let us do it for our children. Let us do it for our motherland,” dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Chie Filomeno sinagot ang netizen na sinabihan siyang mukhang bakla

Kris Bernal masayang binahagi online na malaki ang nadagdag sa timbang nito.