in

Sa edad na 20, Kira Balinger sinimulan na ang pagpapatayo ng kanyang sarling bahay

Ipinasilip ng batang aktres na si Kira Balinger ang on-going construction ng kanyang sariling bahay.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagai ng Kapamilya star na sinisimulan na pinapatayo niyang bahay.

“I’m so excited for my house,” maikling saad ni Balinger sa caption.

Kalakip nito ang litrato na tila nasa rooftop siya ng kanyang bahay, pati na rin ang pasilip sa konstruksyon nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger)

Marami namang nagpaabot ng pagbati sa 20-anyos na aktres sa kanyang bagong achievement.

Isa sa pinakamasaya sa bahay ni Balinger ay ang beteranang artista na si Iza Calzado na tumayong nanay ng batang aktres sa seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

“So happy for and proud of you, Anak! I am excited to visit your house! Yes, I just invited myself over,” ani Calzado sa comment section.

Nag-iwan din ng mensahe ang “Magandang Buhay” hosts na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

“Congrats in advance Kira,” saad ni Melai.

“Wooohooooo!!!” say naman ni Momshie Karla.

Narito pa ang ilang komento mula sa kanyang mga fans and followers:

“Wahhh Congratulations bebe kiwaaa!!! So proud of you”

“so happy for you, kira!!! i miss you”

“Can’t wait!!  Congrats Girl!”

“Congratz baby girl more blessing to come God always with in ur side”

“Beautiful house with a pretty owner”

Si Kira ay magte-twenty one na this coming August 3. At sa murang edad ay unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga pangarap.

Una siyang nakilala sa seryeng “The Greatest Love” kung saan ginampanan niya ang karater ni Y.

Siya ang kapareha dito ni Joshua Garcia na gumanap naman bilang Z.

At magmula nga noon ay sunod-sunod na ang proyekto na ginawa ng dalaga.

Huli siyang napanood sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” na natapos noong Marso.

Vice Ganda may hugot tungkol sa paggamit ng faceshield na kinaaliwan ng maraming netizens

Video na mala-weather reporter ng bunsong anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Luna kinagigiliwan ngayon sa social media