in ,

Sikat na beauty salon, balak nang alisin si Andrea Brillantes bilang celebrity client

Dahil sa malalang pagkokomento ng young star na si Andrea Brillantes laban sa mga botante, tila nasira na nga ang imahe nito sa madla.

Hindi ikinatuwa ng 31 milyong botante ang naging mga pahayag ng young star sa social media. At umani ito nang sandamakmak na negative comments.

Binatikos ng husto si Andrea at marami ang nagbabantang iboboycot ang mga iniiendorso nitong produkto.

Para sa kanila, nais lamang daw na bigyan ng leksyon ang batang tila nagmamarunong masyado para sa kanila.

Una nang hiniling ng marami na alisin ang mukha niya sa isang beauty product at ang mga billboard nito.

Kada makikita daw kasi nila ang mukha ni Andrea ay maaalala na nila ang mga sinabi nitong hindi tama.

Ngayon naman ay isa pang endorsement ay nagbabadyang mawala sa aktres.

Nito laman ay isang owner ng sikat at matagal nang beauty salon ang nagmumungkahing alisin na sa listahan nila bilang celebrity client si Andrea.

Sa kanyang komento, sinabi ni Mary Pauline Suson Danga-Obias ng Mary Pauline and Sir George Salon na tatawagan na nila ang ina ni Andrea.

Upang ipaalam na hindi na nila isasama ang aktres sa kanilang mga kliyente.

Kaugnay nito, humingi siya nang paumanhin on behalf of Andrea sa mga taong nagalit sa mga naging post ng huli.

“She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. WhenI read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabellle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginagawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.”

Sa ngayon ay nanahimik na si Andrea Brillantes sa pag atake at pagsagot sa kanyang mga b4shers sa social media.

 

Aljur Abrenica dinepensahan si Robin Padilla, sinabing naniniwala siya sa kakayahan nito

Matapos ang eleksyon, Pokwang sinisingil na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya