in

Sweet Birthday message ni Rayver Cruz para kay Julie Anne San Jose kinakiligan ng mga netizens

Marami ang kinilig sa birthday greetings ni Rayver Cruz sa kanyang rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Nagkaroon ng intimate party ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Upang ipagdiwang ang kanyang ika-28 na kaarawan kagabi, May 16.

Pawang mga kapwa niya Sparkle artists ang dumalo sa kanyang selebrasyon tulad nina Gabbi Garcia with boyfriend Khalil Ramos. Barbie Forteza with Jak Roberto, Ken Chan, magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi with Kyline Alcantara at Rita Daniella.

Naroon din ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina-Ilustre at ang ka-loveteam at sinasabing inspirasyon at nagpapasaya sa birthday celebrant na si Rayver Cruz.

Agaw atensyon naman sa naturang pagdiriwang ang nakakakilig na mensahe ni Rayver para sa dalaga.

“Si Jules talaga ‘yung isa sa pinaka naging close sa akin, and siya talaga ‘yung close na close sa akin ever since,” panimulang mensahe ni Rayver.

“Gusto ko lang sabihin na how much I appreciate you, Jules. Maraming, maraming salamat sa lahat kasi, katulad nung sinabi ni Barbie [Forteza]. Totoo naman na blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me, you inspire everyone especially me.”

Sa huling bahagi ng mensahe ni Rayver ay sinabi nito na hihintayin niya si Julie Anne. At doon din niya inamin na mahal na niya ang singer actress.

“Happy, happy birthday, Jules. Gusto ko lang sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal, kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at kay Tita. Palagi lang ako nandito. Mahal kita. Happy birthday.”

Marami naman sa kanilang mga fans ang kinilig at naghihintay na din kung kailan talaga magiging officially in a relationship ang kanilang mga idolo.

Kilalang tiktok star personality na si Jules Eusebio aka The Dub King puman4w na sa edad na 43!

Ogie Diaz nakakwentuhan si Andrea Brillantes ukol sa pagdagsa ng b4shers ngayon ng aktres