in

Vice Ganda may hugot tungkol sa paggamit ng faceshield na kinaaliwan ng maraming netizens

 

Usap-usapan ngayon online ang mga hugot lines ni Vice Ganda sa It’s Showtime kamakailan.

 

 

Sa dalawang magkasunod na episode nang nagdaang weekend ay napagtuunan ng pansin ni Vice ang tungkol sa faceshield.

 

 

Nang una kasi ay makikitang nasira ang suot na faceshield ng contestant sa isang segment ng kanilang show.

 

 

Napansin ito ni Vice at sinabing tanggalin na lang na lang nito ang kanyang suot na faceshield.

 

 

“Tanggalin mo na kung nasira yang ano mo, wala rin naman talagang purpose yan, sumusunod lang tayo, anyway.” “Nagpapauto lang tayo diyan,” saad ni Vice.

 

 

Sa sumunod na episode naman kinabukasan ay muli nanamang binigyan ng hugot ni Vice ang faceshield.

 

 

“Pangarap ko talgang maging face shield, yung kahit wala ka namang silbi pero hindi ka gini-give up…… Duque, baka meron ka pa dyan?” pabirong saad ni Vice.

Di ba and sarap maging ganoon sa buhay?” dagdag pa niya.

 

 

Pagpapatuloy pa ng Unkabogable star, “Yung wala ka naman talagang purpose pero hindi ka gini-give-up.”

 

 

Eh ito simula’s sapul wala namang silbi pero hindi ginive-up, in-embrace yung kawalan niya ng ano” 

 

Maraming netizens naman ang naka-relate at sumang ayon sa mga pahayag ni Vice.

Anila tama naman daw ang sinasabi ng komenyante na wala naman talagang silbi ang faceshield.

 

 

Agree ba kayo dito?

Yam Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ibinahagi ang kanilang simpleng date sa ibang bansa

Sa edad na 20, Kira Balinger sinimulan na ang pagpapatayo ng kanyang sarling bahay