in

Video na mala-weather reporter ng bunsong anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Luna kinagigiliwan ngayon sa social media

Kinagigiliwan ng maraming netizens ang video ngayon ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa video na ibinahagi ni Ryan sa kanyang instagram, ay tila naging isang weather reporter ang bunso nilang si Luna.

Makikita kasi sa video na dine-describe ni Luna ang weather condition kung saan nagstay ang kanyang pamilya.

“Welcome to news, news news. A new weather report. Today is windy, cloudy, and sunny, which is perfect for sailing for daddy Ryan,” saad ni Luna na may pakindat pa.

Sa sumunod naman na video ay nasa harapan na ng beach si Luna, habang gamit ang honey dipper saad nito,

“Welcome to ‘News, News, News.’ As you can see, it is windy, cloudy, and sunny and high tide so this is perfect sail boating for daddy Ryan so your sail boat can get a break from the sand.”

“And you can get a break from work and feel the ocean as high tide as the wave crash onto your sail boat , Have a newsiful day!”

“this weekends weather report is brought to you by our talking doll. may change location pa,” saad naman ni Ryan sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Sa comment section ay hindi naman napigilan ni Judy Ann ang kanyang tawa.

dahil three laughing emojis ang kanyang reaksyon.

Kabilang naman sa mga nagkomento sa ka-kyutan ni Luna ay ang mga celebrities na sina Camille Prats, Bianca Gonzales-Intal.

Charlene Gonzales, Christine Babao, Jericho Rosales at syempre ang sikat na weather anchor na si Kuya Kim Atienza.

Saad pa nga ni Kuya Kim, “awwwww she can take on my job!”

Si Luna ay ang bunsong anak nina Ryan at Juday, siya ipinanganak noong January 8, 2016.

Sa edad na 20, Kira Balinger sinimulan na ang pagpapatayo ng kanyang sarling bahay

Ka-Love team noon ni Mario Maurer na si Baifern Pimchanok ibang-iba na ang hitsura ngayon