in

Virgelyn, hindi mapigilang masaktan sa mga panunumbat sa kaniya ni Mura!

Mainit parin ang hindi pagkakaintindihan na namamagitan kina Virgelyn at Mura. Sinagot na ni Virgelyn ang mga kontrobersyal na mga pahayag sa kaniya ni Mura. Pero, umaming nasaktan siya sa mga salitang binitawan sa kaniya ng dating kaibigan.

Matapos binitawan ni Mura sa live ang kaniyang mga salita para kay Virgelyn. Tinugon naman ito ni Virgelyn sa isa sa kaniyang vlog.

“Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ‘yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin,” pag-iintindi ni Virgelyn sa dating kaibigan.

Hindi niya maiwasang masaktan sa mga masasakit na sinabi sa kaniya ni Mura. Dahil sabi ni mura sa kaniya, “Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon.”

Itinuring ni Virgelyn na matalik na kaibigan si Mura kaya gano’n na lamang kasakit ito sa kaniya. Tila wala nang halaga ang pinagsamahan nilang dalawa.

“Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin ‘yun,” pahayag ni Virgelyn sa kaniya.

“Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan.”

Labis ang kalungkutan at panghihinayang niya para sa pagkakaibigan nilang dalawa. Inaming nasaktan siya sa mga pangyayari.

Robin Padilla gumawa ng ‘Makeshift Vegetable Garden’ na siyang ikinatuwa ng netizens!

Neri Naig- Miranda pinagtangol ang kanyang mister na si Chito sa naging komento nito sa IG post ni Sarah Lahbati.