in

Xander Ford lubos ang kasiyahan ng makatanggap ng sampung libo bilang regalo mula kay Xian Gaza

Iba din talaga kapag napupuri itong si Xian Gaza, instant sampung libo agad ang regalo para kay Xander Ford.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Xian ang screenshot ng conversation nila ni Xander Ford. Nag-message kasi ang huli sa kanyang tinatawag na boss.

Aniya birthday daw niya ngayon at agad itong nagpasalamat dahil alam niyang mabibigyan siya ng regalo ni Xian. Kaya sinabi nitong sa gc4sh na lang daw ipaabot ng ‘Pambansang Marites ang kanyang ireregalo.

Tinanong naman ni Xian kung magkano ang gusto ni Xander, at syempre walang kaabog-abog na 10k ang sagot nito.

Hihingi na lamang daw siya ay lalakihan na niya at kakapalan na niya ang kanyang mukha. Dahil dito naman talaga siya nakilala.

Unang tugon ni Xian ay pag-iisipan daw muna niya at depende daw sa kanyang mood kung bibigyan niya nga ba si Xander.

Hanggang sa sinimulan na nga ni Xander ang pang-uuto kay Xian at ikinumpara pa nito ang kgwapuhan diumano nito kay Robin Padilla.

At dahil dito ay alam na alam ni Xian na malaki nga ang pangangailangan ni Xander. Kaya naman hiningian niya ng opinyo ito tungkol sa bago niyang haircut.

Syempre para mapapayag ni Xander si Xian sa kanyang hiling ay tinodo na nito ang kanyang pambobola. Sinabi niyang nagmukhang 17 years old daw ito sa kanyang new look.

At yun na nga! Nadaan na nga sa pambobolo si Xian na nagtanong kung saan niya ipapadala ang ibibigay niya kay Xander.

Sa comment section naman ng kanyang post ay lubos ang kasiyahan ni Xander at super pasalamat sa ibinigay ni Xian sa kanya.

Dahil sa kanyang political views, Janno Gibbs nawalan umano ng mahigit 4K followers sa IG

Gab Valenciano pinaalalahan ang publiko na mas magandang pairalin ang kabutihan sa panahon ngayon