in

Zanjoe Marudo aminadong natakot nang magpakasal dahil sa character niyang si David sa The Broken Marriage Vow!

Tila nagbago ang pananaw ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo patungkol sa pagpapakasal.

Aminado si Zanjoe na parang nangangamba na siya magpakasal ngayon. Ito ay dahil sa ginampanan niyang karakter sa seryeng The Broken Marriage Vow bilang David.

Si David kasi ay pamilyadong lalake na nagl0ko at ipinagpalit ang kanyang pamilya sa isang babae. Hanggang sa naulit lang muli ang nangyari sa bagong pamilyang kanyang binuo.

Ayon kay Zanjoe, ang pagiging “David” sa serye ang nagpaalala sa kanya na ayaw niyang malagay sa sitwasyong pinagdaanan ng kanyang karakter.

“Nakakatakot pala, From the experience of playing the role, malalaman mo na ang dapat at hindi para maiwasan. Ayaw natin na ganun ang kalabasan ng pamilya,” ani ng aktor.

Gayunpaman, laking pasasalamat umano ni David na nagkaroon siya ng oportunidad na gampanan ang ganoong klase ng role.

Na paniguradong tatak sa isip at puso ng mga manonoood. Nailabas din kasi niya dito ang galing niya sa pag-arte.

“I’m thankful for this role. To me it is a celebration of what we did right. Yung role ni David, kahit ilang years hindi na mawawala sa akin ang experience na yan. I’ll hold onto it as a trophy. I am just thankful,” saad ni Zanjoe.

Pati na rin ang mga artistang kasama niya sa serye na sina Jodi Sta.Maria at Sue Ramirez ay pinasalamatan ng aktor.

Hindi daw niya magagampanan ng mahusay ang kanyang karakter kundi dahil sa galing din ng dalawang aktres sa pag-arte.

Whamos Cruz aminadong ayaw nitong maging kamuka ang anak niya!

Nobyo ni Lovi Poe nagselos? Nag-react sa kulitan nila ni Piolo Pascual sa Instagram